Home NATIONWIDE Flood control probe sa mga lugar na sinalanta ng Tino, uunahin ng...

Flood control probe sa mga lugar na sinalanta ng Tino, uunahin ng Ombudsman

272
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of the Ombudsman na uunahin ng kanilang special task force ang pag-imbestiga sa mga flood control projects sa mga lugar na labis na nasalanta ng Bagyong Tino.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, “nakikiisa kami sa dalamhati ng sambayanan” at tiniyak niyang “ang hustisya ay isusulong nang may malasakit at katapatan.”

Kasabay nito, nagprotesta sa harap ng Ombudsman ang mga grupong Kalikasan PNE, People Surge, at Kilusang Bayan Kontra Kurakot upang panagutin ang mga sangkot sa umano’y P26.7 bilyong anomalya sa mga proyekto sa Cebu.

“Ang matinding baha at pagkawasak ng kabahayan sa Negros at Cebu ay nakaugat sa pandarambong ng kalikasan, mas pinalala lang ng kurapsyon ang pinsala nito,” ayon kay Cathleen De Guzman ng Kalikasan PNE.

Nanawagan ang mga aktibista ng agarang aksyon, kompensasyon, at pagtatapos ng pamumuno ng mga korap, at nangakong magpapatuloy sa pagkilos hanggang may mapanagot.

Batay sa ulat ng OCD, umabot na sa 188 ang namatay at halos 400,000 ang lumikas dahil sa Bagyong Tino. Idineklara na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of national calamity dahil sa lawak ng pinsala. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here