Home NATIONWIDE Poultry ban vs Netherlands, muling ipinatupad ng Pinas vs bird flu

Poultry ban vs Netherlands, muling ipinatupad ng Pinas vs bird flu

272
0

MANILA, Philippines – Muling ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga ibon at produktong poultry mula sa Netherlands matapos maitala ang panibagong kaso ng H5N1 bird flu sa nasabing bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., iniulat ng mga awtoridad sa Netherlands ang outbreak noong Oktubre 6 sa Drenthe at ipinasa ito sa World Organization for Animal Health.

Sa ilalim ng Memorandum Order No. 68, ipinag-utos ng DA ang agarang import ban upang maprotektahan ang lokal na poultry industry at maiwasan ang pagpasok ng virus.

Kasama sa suspensyon ang pagproseso ng import clearances, habang ang mga kargamentong dumating bago ipinatupad ang kautusan ay papayagang makapasok kung ito’y ginawa bago Setyembre 22. Ang mga shipment na darating matapos nito ay kukumpiskahin, maliban sa mga heat-treated products.

Noong Disyembre 2024, nagpatupad din ng katulad na ban ang DA sa poultry mula Netherlands, ngunit ito ay inalis noong Mayo 2025. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here