MANILA, Philippines – Bumaba ng 24.32% ang focus crimes sa buong bansa noong Enero kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa
Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Pebrero 2.
Sa press conference, sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na kabuuang 2,449 focus crimes ang naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang 31, 2026 na 787 kasong mas mababa sa 3,236 insidente na naitala noong Enero 2025.
Nagpakita rin ng 5.59% na pagbaba sa mga krimen sa naturang buwan kumpara noong Disyembre 2025.
Ang focus crimes ay mga serious offense kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping ng motor vehicles at motorsiklo.
Sa mga major offense, pinakamalaking pagbaba ang naitala sa mga kaso ng rape sa 60.70% mula 849 kaso noong Enero 2025 sa 331 kaso noong Enero 2026.
“These figures tell us one thing—our communities are becoming safer. This is not an overnight result, but the product of the sustained efforts of our police officers nationwide,” ani Nartatez.
“When crime goes down, it indicates that what we are doing is having a positive impact.” RNT/JGC