ORIENTAL MINDORO, Philippines – Bumaba ng 48.63 porsiyento ang naitalang focus crimes sa Mimaropa mula Mayo 8 hanggang Hulyo 6, 2026, ayon sa Mimaropa Police. Naitala ang 94 kaso kumpara sa 183 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, at motornapping.
Bumaba rin ng 11.02 porsiyento ang kabuuang bilang ng krimen, mula 944 sa 840 kaso, habang bumaba ng 24.68 porsiyento ang Peace and Order Indicator crimes, mula 624 sa 470 kaso.
Pinakamalaki ang ibinaba ng mga kaso ng physical injury (65.22%), sinundan ng theft (52.27%), rape (50.91%), at murder (33.33%). Nagtala rin ng pagbaba sa mga kaso ng robbery at motornapping.
Ayon sa Mimaropa Police, patuloy nilang paiigtingin ang mga programa laban sa krimen at palalawakin ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, lider ng komunidad, at mga residente upang mapanatili ang pagbaba ng kriminalidad sa rehiyon. RNT/MDS