MANILA, Philippines – Nangunguna sa karera sa pagka-alkalde ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa partial, unofficial results mula sa Comelec, sa 65.56% ng election returns ay nakakuha ng 529,778 na boto si Duterte.
Ang katunggali nitong si Karlo Nograles ay nakakuha naman ng 64,983 na boto.
Nasa ikatlong pwesto naman ang independent candidate na si Bishop Rod Cubos sa 6,328 na boto.
Samantala, nangunguna rin sa vice mayoral race ang anak ni Duterte na si incumbent Davao City Mayor Baste Duterte sa 520,511 na boto, sinundan ng independent candidate na si Bernie Al-Ag. RNT/JGC