MANILA, Philippines – Patuloy na umaarangkada ang botong nakukuha ni incumbent Mayor Along Malapitan sa mayoral race sa Caloocan City sa pagkakaroon ng lamang ma mahigit 100,000 boto sa katunggaling si dating senador Antonio Trillanes IV.
Batay sa partial unofficial results ng Comelec, si Malapitan ay nakakuha ng 330,499 boto habang si Trillanes ay may 220,424 na boto, sa mahigit 75% ng mga botong nabilang sa lungsod.
Nangunguna rin ang running mate ni Malapitan na si Karina Teh sa 333,510 na boto, habang si PJ Malonzo naman na ka-tandem ni Trillanes ay may 188,682 na boto.
Ang incumbent mayor ay anak ni dating mayor Oscar Malapitan na nagsilbi ng tatlong termino sa lungsod hanggang noong 2022. RNT/JGC