Home NATIONWIDE Francis Leo Marcos nakalaya matapos makapagpiyansa ng P120K – BJMPNATIONWIDETOP STORIES Francis Leo Marcos nakalaya matapos makapagpiyansa ng P120K – BJMPMarch 1, 2026 09:051710 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Pansamantalang nakalaya ang vlogger na si Francis Leo Marcos, o si Norman Mangusin sa tunay na pangalan.Ito ay matapos siyang makapagpiyansa ng P120,000, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Sabado, Pebrero 28.Ayon kay BJMP spokesperson Jayrex Bustinera, nag-isyu ang korte ng release order matapos makapagpiyansa si Mangusin.Ipinatupad ng Parañaque City Jail ang release order, at sinabing si Mangusin ay wala nang iba pang reklamo o kaso.Ang P120,000 na piyansa ay patungkol sa 12 counts ng unjust vexation na inihain ng isa pang vlogger.Noong Biyernes ay inilipat si Mangusin mula Camp Crame patungo sa Parañaque City Jail kasunod ng commitment order mula sa korte.Si Mangusin ay inaresto ng Philippine National Police sa hotel sa Pasay City noong Martes. RNT/JGC