Home ENTERTAINMENT Freddie Webb, nagpasalamat sa TV5!

Freddie Webb, nagpasalamat sa TV5!

Manila, Philippines- Malaki ang pasasalamat ng veteran actor na si Freddie Webb sa break na binigay sa kanya ng TV5 nang isinama siya sa seryeng Ang Himala ni Niño na pinagbibidahan ni Zion Cruz.

“I’m so happy na sa entertainment scene ako mas nagla-last kesa sa politics. Sa politics kasi, no matter what you do, it is always wrong,” sabi pa niya.

Satisfied din si Freddie sa kanyang role sa Himala ni Niño kung saan madali siyang na-convince na tanggapin ang role nang ini-offer sa kanya.

“Nangyayari ang mga bagay nang hindi mo inaasahan. Bakit ka naman tatalikod sa mga magagandang pagkakataon?

“Lalo na ‘yung role na ganito kaganda. Lalo na yung ‘himala’ napapasa ko kay Niño.

“I’ve done a couple of drama and comedy series but when I saw yung kung anong klaseng character, I told myaelf na this is a challenge for me.

“Also, I am very comfortable acting as an old man because I am already old.

“Ang gagaling din ng mga kasama ko.

“When I got the role I talked to God. I’m happy and proud and forever grateful that I am part of this,” sabi pa ni FW.

Anyway, sa nalalabing dalawang linggo ng Ang Himala ni Niño, mas marami pang magagandang pangyayari, himala, at aral ang matutunghayan sa seryeng napamahal sa maraming manonood.

Simula ng umere ng Ang Himala ni Niño, pinukaw nito ang damdamin ng mga manonood sa kwentong puno ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa.

Kinilala na nga ito bilang Best Values-Oriented Program sa 10th Platinum Stallion National Media Awards, habang si Zion Cruz, ang batang bida, ay itinanghal na Best Child Performer sa 38th PMPC Star Awards for TV at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards.

Si K Brosas naman ay pinarangalan bilang TV Actress of the Year.

Nominado rin ito sa 6th VP Choice Awards, kabilang ang TV Series of the Year (Daytime), TV Actor of the Year para kay Zion at TV Supporting Actor of the Year para kay Kych Minemoto.

“Three years ago, inspired by the heartfelt journey of Niña Niño, we thought of going into Niño’s character, viewing the world’s goodness through the eyes of a child.

“Today, with Ang Himala Ni Niño, we’ve realized that vision,” pahayag naman ni Peter Dizon, Producer/Creator ng Ang Himala Ni Niño.

Sa huling dalawang linggo, mas titindi pa ang mga pangyayari at pagsubok na haharapin ng bawat karakter.

Mababasa ang mga liham ni Lolo Mars (Webb) na puno ng rebelasyong magpapabago sa buhay ng mga tao.

Habang nagbabalikan ang mga dating mukha at bumabangon muli ang kanilang komunidad, isang huling pagsubok ang yayanig sa kanila. Kaya ba nilang harapin ito ng sama-sama? At anong himala ang magbabago sa kanilang kapalaran?

Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 AM sa TV5 bago ang Eat Bulaga! JP Ignacio