MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino tennis sensation na si Alexandra Eala para sa kanyang kahanga-hangang performance sa 2025 Miami Open.
“We would like to congratulate our tennis phenomenon, Alex Eala, on her historic and amazing run in the 2025 Miami Open,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
“We are one with the entire nation in thanking Alex for her sacrifices and hard work in her quest for glory and honor. I’m sure that the elusive championship title is within reach soon,” dagdag niya.
Pinuri pa rin ng Punong Ehekutibo si Eala nang ipakita sa buong mundo ang kanyang kahusayan at talento bilang isang atletang Filipino.
Winika pa ni Pangulong Marcos na ang natatangi at pambihirang kakayahan ni Eala ay nagsilbi bilang isang inspirasyon sa lahat, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na mayroong “same grit and determination.”
“Truly, what you did showed the whole world what a Filipino athlete is all about – determined, steadfast, and never the one to back away from any challenges,” ang sinabi ni Marcos kay Eala.
Sa kabilang dako, ipinagmalaki naman ng Malakanyang ang tagumpay ni Alexandra Eala sa 2025 Miami Open Quarter Finals.
Malaking karangalan para sa Pilipinas ang ipinakitag galing ng tennis star na si Eala matapos pataubin sa 2025 Miami Open ang 5x Grand Slam Champion at No.2 sa buong mundo na si Iga Swiatek.
Si Eala ang kauna-unahang Filipino tennis player na nakaabot sa semi-finals ng Women’s Tennis association (WTA).
Nakapwesto si Eala sa ika-140 sa ranking sa 2025 Miami Open bilang wildcard player subalit gumawa ng kasaysayan nang pataubin ang ilang Grandslam Champions.
“Alex surmounted a string of setbacks in her journey to be among the best in the Miami Open 2025. Through her sheer persistence, Alex proved that anything is possible,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
“We, Filipinos, are like Alex. We are all tenacious in the toughest of environments. We thrive and excel in the harshest conditions all over the world,” ang sinabi pa rin ng PCO. Kris Jose