Nakakuha ng suporta si Camille Villar mula kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa proclamation rally ng lungsod.
Pinasalamatan niya ang alkalde at ang mga taga-Muntinlupa, na aniya’y malapit sa kanyang puso dahil ang kanyang lolo, si Dr. Filomino Aguilar, ay naging barrio doctor doon, habang ang kanyang ina, si Senadora Cynthia Villar, ay ipinanganak sa lungsod.
“Kaya naman po, kayo din po ang inspirasyon ko para pagbutihin ang aking pagseserbisyo-publiko,” ani Villar, na nangakong isusulong ang trabaho, financial literacy, kalusugan ng ina at reproductive health, pabahay, at edukasyon.
Ang kanyang ama, dating Senate President Manny Villar, ang naging kinatawan ng Muntinlupa mula 1992 hanggang 1998 at siyang may-akda ng batas na nagbigay ng cityhood sa lungsod noong 1995.
“Kaya po kapag may pagkakataon ay hindi ko pinapalampas na makabalik dito dahil napakalaking bahagi po ng Muntinlupa sa buhay ng aming pamilya,” aniya.
Ipinangako niyang magiging boses ng taumbayan sa Senado, at sinabing, “Asahan niyo pong nandito lamang ako, si Camille Villar, hayaan ninyong maging boses ninyo ako para sama-sama nating maitaguyod ang pag-asenso ng buhay ng ating mga kababayan.” RNT