Home ENTERTAINMENT Friendship nina Kyle at Bela, iniintriga!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Friendship nina Kyle at Bela, iniintriga!January 2, 2025 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Ayaw tantanan ng ilang malisyosa ang friendship na namamagitan kina Bela Padilla at Kyle Echarri.Nito kasing nakaraang bakasyon ay nag-spend ang aktres ng kanyang holidays kasama ang actor at ang pamilya nito.Katunayan sa kanyang Instagram account ay pinasalamatan pa ni Bela sina Kyle sa ‘pag-ampon’ sa kanya.Naging isyu naman ang pagtawag ni Kyle sa aktres bilang ‘new Bela’ in their family para sa detractors ng aktor.Binatikos ng isang netizen si Kyle na hindi nagustuhan ang pagtawag ng aktor kay Bela bilang kapalit ng namayapang kapatid.Ipinamukha pa nitong kaydali raw makalimot ng aktor sa alaala ng kapatid.Tinawag pa ng mahadera na ‘malandi’ ang aktres na iniisyu ang closeness kay Kyle.Umalma naman si Kyle sa mga akusasyon sa kanya.Sey niya, keber daw siya sa mga sasabihin ng detractors sa kanya pero huwag daw idamay ang kanyang pamilya.Humirit pa siya na huwag daw kuwestiyunin ang pagmamahal niya sa yumaong kapatid. Archie Liao