Home NATIONWIDE ‘Frustration’ sa hanay ng military, gagamitin ng destabilizer vs krisis sa bansa...

‘Frustration’ sa hanay ng military, gagamitin ng destabilizer vs krisis sa bansa – Lacson

1
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na ang lumalaking “frustration” sa hanay ng sandatahang lakas ay maaaring magdulot ng panganib kung pagsamantalahin ito ng mga destabilizer.

Binanggit ni Lacson ang “sketchy at raw” na impormasyon na nakarating sa kanya, na nagsasabing ang posibleng banta ay kaugnay ng power play sa Senado, gayundin ng mga isyu sa flood control anomalies, inflation, pagtaas ng presyo ng langis, at iba pa.

“As per information, though still sketchy and raw, the level of frustration within the armed services has reached up to battalion and regional levels,” aniya.

Sinabi niya na ang mga nasa sandatahang lakas ay mahigpit na minomonitor ang mga kaganapan sa patuloy na krisis sa pambansang antas, na aniya ay dulot ng kombinasyon ng mga panloob at panlabas na salik.

Kabilang sa mga isyung binanggit ang power play sa Senado, mga anomalya sa flood control, implasyon, at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Binigyang-diin ni Lacson na batid ng mga ito sa kasaysayan na walang matagumpay na kudeta kung walang suporta ng sibilyan. Dahil dito, sinabi niyang ang mga tauhan sa sandatahang lakas na “tahimik” na nagpapahayag ng kanilang frustration ay patuloy na nagmamasid sa mga kaganapan.

“The danger is, if some unscrupulous and power-hungry destabilizers among some aligned political groups would take advantage by fanning the flame of discontent, rightly or wrongly, which could trigger widespread mass movements and protests,” aniya.

Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin Gatchalian na ipinaalam sa mga kinauukulang sektor ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na may potensyal na banta sa gusali ng Senado at sa mga pasilidad nito.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagtiyak sa seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga senador at kawani ng Senado.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here