Home HOME BANNER STORY Fuel subsidy, fare discount sa PUV drivers, commuters pinabilis ng Malakanyang

Fuel subsidy, fare discount sa PUV drivers, commuters pinabilis ng Malakanyang

121
0

MANILA, Philippines – Nag-utos ang Malacañang ng whole-of-government effort para pabilisin ang pagpapatupad ng fuel subsidies para sa public utility vehicle (PUV) operators at drivers, pati na rin ang fare discounts para sa mga commuter.

Ang direktiba ay kasunod ng pulong na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto sa Malacañan noong Miyerkules kasama ang mga kaukulang ahensya upang pagtibayin ang implementasyon ng programang layong mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa Office of the Executive Secretary (OES), inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng transportasyon at enerhiya na tiyakin ang maayos at koordinadong rollout ng transport assistance package.

“It behooves LGUs (local government units) along with the DILG to team up with agencies like the Department of Energy (DOE), Department of Transportation (DOTr) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) on ensuring the seamless implementation of the twin directives of [President Ferdinand R. Marcos Jr.],” ani Recto.

Kasama sa assistance package ang fuel subsidies para sa jeepney at UV Express operators sa ilalim ng Pantawid Pasada Fuel Subsidy Program, at ang Service Contracting Program (SCP) para sa mga bus at jeepney sa piling ruta na magbibigay ng 20% fare discount sa mga pasahero.

Ayon kay Recto, mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya upang matiyak na makakarating ang tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo at maipatupad ang fare discounts.

Sa ilalim ng SCP, makatatanggap ang PUV operators at drivers ng subsidy na ₱40 hanggang ₱100 kada kilometro upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng gastos sa gasolina. Kapalit nito, magbibigay sila ng 20% diskwento sa pamasahe sa mga sakop na ruta.

Nagsimula na ang rollout sa Metro Manila, kabilang ang Commonwealth Avenue sa Quezon City, at kalaunan ay sa Quezon Avenue, España, Zapote, A. Bonifacio, Rizal Avenue, at Marcos Highway bago palawakin sa buong bansa.

Ipamamahagi ang fuel subsidies sa pamamagitan ng accredited gas stations na babantayan ng Department of Energy (DOE).

Inatasan din ang LTFRB na tiyakin ang pagsunod sa fare discount scheme at maglalabas ng fare matrix para gabay ng commuters.

Ang 20% fare reduction ay dagdag pa sa umiiral na diskwento para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Tinatayang makikinabang sa programa ang 50,000 PUV drivers, 1,000 operators, at humigit-kumulang 15 milyong commuters kapag naipatupad sa buong bansa.

Bahagi ito ng mas malawak na tugon ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng langis sa mundo, kasabay ng deklarasyon ng national energy emergency ni Marcos.

Mahigit 1,000 reklamo na rin ang naitala sa eGov platform kaugnay ng umano’y hoarding at profiteering sa mga fuel retailers. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here