MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang isang pamamaraan upang makamit ang pambansang seguridad sa pagkaina at inklusibong paglago sa pamamagitan ng mas matibay na suporta sa maliit na magsasaka at mangingisda upang makatulong na magamit ang kanilang “full potential.”
Sa pahayag, tinukoy ng beteranong mambabatas, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ang papel ng pamahalaan sa pagpapahusay ng “policies, institutions, markets, and support systems” na magbibigay kapangyarihan sa lumilikha ng ating pagkain at mapabuti ang kanilang pamumuhay.
“Kapag nabigyan natin ng tamang pagkakataon ang maliliit na magsasaka at mangingisda na maabot ang kanilang buong kakayahan, umangat ang kita, ang full potential, hindi lamang sila ang aangat. Kasama nilang i-aangat ang kanilang mga komunidad at doon lamang matitiyak ang sustainable economic growth sa ating bansa,” aniya.
“When we create a climate and an environment where small farmers and fishfolk can fully realize their individual potential, we also unlock the potential of their communities, and the rest of the nation,” giit ng senador.
Pangunahing tagapagsalita ang mambabatas sa ginanap na 51st Gawad Saka Awards ng Department of Agriculture (DA) na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong LUnes, June 29.
Dito, hinimok nya ang lahat na tumungo mula sa bilang ng produksiyon tungo sa aktuwal na kalidad ng pamumuhay ng Filipinong lumilikha ng ating pagkain, sa pamamagitan ng long-term sustainability at human dignity na dapat maging tunay na pagtatayo ng kaunlaran sa agrikultura.
“To secure our food, we must secure our farmers and fisherfolks,” aniya.
Kaharap ni Pangilinan sa naturang pagtitipon ang lahat ng matataas na opisyal ng sektor ng agrikultura, teknokrata at stakeholder.
“The 51st Gawad Saka, organized by the DA and local government units (LGUs), is the department’s highest nationwide recognition for agricultural excellence. Launched in 1970, the annual program honors outstanding farmers, fisherfolk, and institutions whose innovations and sustainable practices secure the nation’s food supply and drive rural growth,” ayon sa senador. Ernie Reyes