Manila, Philippines- May mga taga-showbiz na talagang nagkandarapa sa pulitika at yung ilan pa sa kanila ay ginamit ang pagiging artista para lang sa ambisyon na maging pulitiko.
Never say die pa ang drama ng ilang taga-showbiz.
Kahit makailang beses na natalo ay hindi mapigilan ang mga ito sa pagtakbo tuwing ekeksiyon.
Pero iba naman ang isang Gabby Concepcion na minsan nang pinangarap na pasukin ang mundo ng pulitika.
Matatandaang last 1988 ay kumandidato sa pagka-mayor ng San Juan si Gabby pero hindi pinalad.
“Politics was actually a dream once upon a time. Pero hindi ko tinuloy because I didn’t find the urge. Many are still inviting me to run.
“But politics is very sensitive. Mas gusto ko ang tahimik na buhay,” lahad pa ng aktor.
Animnapung taong gulang na ngayon ang aktor.
Dagdag pa ng ama ni KC Concepcion, hindi niya kailanman naranasan ang tinatawag na mid-life crisis.
“I want to experience that because I don’t know what that feels. Somebody needs to explain to me what mid-life crisis in a nutshell.
“I take things lightly. I always remember what my father told me, ‘Nandiyan ka na lang din, galingan mo na.’ I am not always successful but I try,” paliwanag pa ng 66-year old actor.
Ayon pa rin kay Gabby ay ginagawa niya at talagang sinisikap niya ang anumang kaya niyang gawin para kayanin ang lahat ng mga hamon sa buhay, huh!
“Anything can happen to me. I can talk about all the good things about health but there is always something that can happen, life is short. We need to do the best while we have the time. We don’t have to regret one day and tell ourselves, ‘I should have done this.’
“And if you will love somebody, loving is a part of life. We need to feel that. If something happens, that’s all part of the cycle. You have to enjoy the moment. Be happy, always be happy,” seryosong pagkukuwento pa ng nag-iisang Gabby Concepcion. Jimi Escala