Home ENTERTAINMENT Magicvoyz, nagpa-init sa 1st anniv concert!

Magicvoyz, nagpa-init sa 1st anniv concert!

Screenshot

Manila, Philippines- Tagumpay ang First year anniv ng all-male sing and dance group na Magic Voyz na ginanap sa Viva Cafe last Sunday, March 30.

Gumiling, sumayaw, kumaldag at rumampa ang mga members ng Magic Voyz na sina Jhon Mark Marcia, Jorge Guda, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane at Asher Bobis.

Halo-halo ang audience ng all-male group.

May grupo ng mga girls, may mga beki, may mga professionals, may mga executives at may mga socialites pa na nag-enjoy sa panonood.

Congrats sa buong LDG Productions ni Lito De Guzman dahil pinuno ng team ang venue at umapaw ang mga attendees.

Hindi nawala sa mga kinanta ng grupo ang dalawang original composition nila na Wag Mo Kong Titigan at Bintana under Viva Records.

Nagpatikim na rin sila sa latest single nilang Tampo na ire-release na rin soon ng Viva Records at LDG Productions!

Present ang mga special guests ng Magic Voyz na sina Robb Guinto, Miia Bella, Ayah Alfonso, Jojo Mendrez, Cebuana Twins, Buraot Kween, Meggan Marie and Skye Gonzaga.

Sa susunod, sa June, target na ng LDG prod at ng Magic Voyz na mag-perform sa Music Museum.

For booking & inquiries puwede silang kontakin sa page ng Magic Voyz at Viva Artists Agency. JP Ignacio