Home ENTERTAINMENT Gana ni Kris sa pagkain, bumabalik na!

Gana ni Kris sa pagkain, bumabalik na!

Los Angeles, USA – Kay Cristy Fermin at sa kanyang mga programa nalaman ng publiko na sa daming mga pagkain ni Kris Aquino na natitira ay itinatapon na lang.

Kumbaga, “takaw tingin” lang daw si Kris.

Hindi pa kasi tuluyang nanunumbalik ang kanyang appetite o ganang kumain.

Pero sa isang convo sa social media, nabanggit ni Kris ang isang ‘di niya matandaang pagkain when she attended the wedding ng kanyang kapalitan ng mga mensahe.

‘Yun ‘yong mga panahong hindi pa nasusuring may iniinda palang autoimmune disease si Kris.

Nakalagay sa lagayan ng leche flan (Ilanera ang ibig sabihin ni Kris) nasarapan daw siya nang hainan siya nito.

Late last year nang magkumustahan sila ng artistang ‘yon.

Doon nga nabanggit ni Kris na hinahanap-hanap daw niya ang pagkaing ‘yon.

Nangako naman ang kanyang kausap na kung sakaling makapunta siya kung saan nakatira si Kris sa US (sa Orange County sa Los Angeles) ay ipagdadala niya ito ng naturang pagkain.

Kamakailan nga’y sa pamamagitan ng publicist ni Kris na si Dindo Balares ay ibinahagi nito ang kanyang health updates.

Ani Kris, nakatulong daw nang malaki ang dinagdag na dose ng methotrexate at dupixent.

Bukod dito’y nabanggit din ni Kris na nami-miss na niya ang lechon kawali at laing (taro leaves in coconut milk) na luto ni Dindo.

Nagretiro na kasi si Dindo na masaya nang namumuhay sa probinsya nila sa Bicol, hence, he’s an expert in preparing laing.

Magandang balita na malamang bumabalik na ang craving ni Kris sa pagkain para naman madagdagan ang kanyang timbang.

Ayon mismo sa kanya, tumitimbang lang siya ngayon ng 91 kilograms.

Dahil underweight, hindi raw siya kwalipikado para sa isang gamutan. Ronnie Carrasco III