Home ENTERTAINMENT Gary, nagkwento sa dumi ng politika!

Gary, nagkwento sa dumi ng politika!

Manila, Philippines – Ayon kay Gary Estrada sa guesting niya rin sa Fast Talk With Boy Abunda ay mas grabe raw ang intriga sa politika.

Talagang hindi mo kakayanin kung mahina-hina ang loob mo at wala talaga sa puso mo ang paglilingkod sa mga tao.

Mas matindi at mas marumi raw ang mundo ng politika kung ikukumpara sa showbiz.

Noong hindi na gaanong aktibo si Gary sa pag-aartista ay pinasok niya ang public service. Naging provincial board member siya noon at tumakbo ring vice mayor.

Sabi ni Gary, “Ang pagkakaiba nila, kung ito lang ang intriga sa pag-aartista, doon sa politika, babaliktad talaga ang sikmura mo. Ganu’n siya kadumi.

“At the end of the day, kahit anong gawing mong maganda, meron at meron…kulang pa rin.”

Pero agad namang nilinaw ng aktor na hindi ‘yon ang major reason kung bakit nagdesisyon siyang mag-quit na sa politics.

“No. I guess it’s not the right time.”

Sa tanong ni Tito Boy kung may balak pa ba siyang bumalik sa mundo ng politika, nabanggit ni Gary na hindi pa siya makakapagdesisyon sa ngayon.

Aniya, happy naman daw siya kung saan man siya naroon ngayon at nag-eenjoy siya uli sa pag-arte lalo na ngayon na isa na siyang certified Kapuso actor.

Pumirma si Gary ng kontrata sa GMA Network bilang Sparkle artist.

Inamin niya na totoong nawala noon ang “drive” niya sa pag-aartista pero nanumbalik na raw ito ngayon. Rommel Placente