Home METRO Gasolinahan sa Ecija sumabog

Gasolinahan sa Ecija sumabog

BONGABON, Nueva Ecija- INAALAM na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog ng isang maliit na gasolinahan na kabubukas lamang, Miyerkules ng gabi sa bayang ito.

Batay sa report ng Bongabon Fire Station, bandang 9:59 PM ng sumabog ang gasolinahan habang nagsasalin ng gasolina ang isang truck.

Sa lakas ng pagsabog nagtamo ng pasa ang truck driver na mabilis naman nakatakbo bago pa tuluyan sumiklab ang apoy at malakas ang pagliyab sanhi ng inabot rin nito ang mga kable ng kuryente.

Naalarma naman ang mga residente malapit sa gasolinahan kaya nagsilikas na rin ang mga ito sa ligtas na lugar.

Makalipas ang higit 3-oras naapula ang sunog ng mga rumespondeng pamatay-sunog.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico

Previous articlePVL: Akari tepok sa Creamline
Next articleTolentino: Maritime Zones Act maipapasa sa Enero 2024