Home NATIONWIDE Gastos sa libing, P10K ayuda ibibigay ng DSWD sa nasaw sa Cebu...

Gastos sa libing, P10K ayuda ibibigay ng DSWD sa nasaw sa Cebu quake

328
0

MANILA, Philippines – Sasagutin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang gastos sa libing at magbibigay ng ₱10,000 cash assistance sa mga pamilya ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre 30.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, nakikipag-ugnayan na ang mga social worker mula sa Field Office 7 sa mga pamilya ng mga nasawi. “Our social workers will also talk to the concerned families to inform them that the DSWD will shoulder the burial expenses of their loved ones,” aniya.

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi at sugatan ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cebu. Idineklara na ang probinsya sa ilalim ng state of calamity upang mapabilis ang relief at rehabilitasyon.

Mula Masbate kung saan kasama niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Opong, inatasan si DSWD Secretary Rex Gatchalian na magtungo sa Cebu upang personal na silipin ang kalagayan ng mga apektadong residente.

Inatasan ni Gatchalian sina Undersecretary Diana Rose Cajipe, Assistant Secretary Ulysses Aguilar, at Regional Director Shalaine Marie Lucero na pangunahan ang disaster response at isagawa ang damage at needs assessment sa Bogo City, ang pinakamalubhang tinamaan ng lindol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here