Manila, Philippines – Nagbabalik sa international pageant si Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados na kakatawan ng bansa sa kauna-unahang Miss Grand International All Stars competition.
Sa isang post sa social media, kinumpirma ng organisasyon na lalahok ang Filipino-Palestinian beauty.
Inilarawan ng MGI si Gazini na nagtataglay ng “striking beauty commanding stage presence and inspiring life story”–dahilan para maging isa sa mga pinakanatatanging beauty queen ng bansa.
Excited na nga daw ang mga pageant fans sa pagbabalik ni Gazini.
Matatandaang unang sumabak si Gazini sa Miss World Philippines kung saan nag-Top 13 siya.
That was in 2014.
Naging paghahanda ‘yon sa mas malaking oportunidad sa national stage several years later.
Taong 2019 nang manalo siya bilang Binibining Pilipinas Universe–at kumatawan sa Miss Universe.
Nagtapos si Gazini bilang isa sa Top 20 at naiuwi ang Best National Costume award.
Para sa MGI All Stars, si Gazini ang ikaapat na kinatawan ng bansa–kasama sina Alexia Nuñez (Noble Queen of the Universe 2025), Fuschia Ravena (Miss International Queen 2022) at Keylyn Trajano (Universal Woman Arabia 2025).
Tumatanggap pa din ng mga aplikante ang MGI AIl Stars edad 20-40, mga babae o transwomen pero dapat ay nagwagi na sa mga international pageant.
Sa May 30 sa Thailand nakatakda ang coronation night. Ronnie Carrasco III