Home ENTERTAINMENT Gelli, rumesbak sa TikTok!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gelli, rumesbak sa TikTok!October 14, 2026 13:1930 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Para-paraan.This is the popular showbiz way of saying: “If there’s a will, there’s a way.”Nakahanap nga ng paraan si Gelli de Belen para buweltahan ang kanyang mga bashers.Marami ang nag-isip ng ganito salatest TikTok video ng aktres.Idinaan kasi ito ni Gelli sa lip synch a la dubsmash.Eto ang linya niya: “Tahimik lang ako pero ang dami n’yong sinasabi. Akala mo kilala n’yo buong pagkatao ko.”Timing na timing naman kasi ang pagkaka-upload ng nasabing video–lalo’t of late ay kaliwa’t kanan ang pamba-bash kay Gelli.Her statements sa guesting niya sa Chika Cart patungkol sa isyu nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia ay lumikha ng “public outrage.”Nasakyan agad ng mga netizens ang para-paraan ni Gelli.Hindi pa din tinantanan ang aktres sa panggagatong o pakikisawsaw nito sa isyu.Pero sorry na lang sa mga bashers ni Gelli–she did her revenge the funny way! Ronnie Carrasco III