Home ENTERTAINMENT Gender ng first crush ni Kathryn, pinagdudahan!

Gender ng first crush ni Kathryn, pinagdudahan!

Manila, Philippines – Gaya ng alam na ng lahat, may pa-reveal si Kathryn Bernardo na nag-viral na sa X (dating Twitter).

Kung matatandaan, kilig na kilig na kinuwento ni Kathryn ang tungkol sa unang lalaki na naging crush niya habang nakikipag-tsikahan kay Eugene Domingo ati Mel Cantiveros sa dressing room ng “Pilipinas Got Talent.”

Pahayag ni Kathryn, “Ang first ever crush ko, uh, siguro nasa Grade 2 ako noon sa probinsya namin. Yung first ever (crush ni Kathryn), mestizo sya.

“Eh, ‘pag crush ko mas lalong hindi ko yun kakausapin. Parang mas lalong hindi mo talaga mararamdaman na kahit na isabit mo ako hindi ko aaminin na crush kita.”

Binuyo naman ni Melai si Kathryn na sabihin ang name ng crush niya.

“Okey,” bwelo ni Kathryn. “Ang name niya ay Kenneth. Kenneth! Hahaha!”

Agad-agad ay nag-search ang netizens kung sino si Kenneth na sa panahon ngayon ay nakapadali na ang maghanap ng personalities.

And true enough, natagpuan ng netizens kung sino si “Kenneth” na crush ni Kathryn.

Sabi ng ilang netizens:

“So, umpisahan ko na bang isa-isahin yung Kenneth dito sa Cabanatuan, Kathryn? Hahahaha! Na-curious tuloy ako bigla! How lucky you are, Kenneth hahaha naging crush ka lang naman ng isang Kathryn Bernardo.”

“Nakita na namin, c kenneth ay mistiso nga din maputi eh, at doctor.”

“Eto siya. Kenneth Hizon. He’s now a doctor. Baka eto. May nagpost sa FB.”

“Parang siya nga. Kasi Taga Cabanatuan din. Bagay sila ni kath.”

Pero bigla ring binasag ng isang netizen ang.kilig ng fans ni Kathryn.

“Sorry to burst your bubble. Puro lalaki/beki finafollow niya sa IG. He’s cute though”

Na-relaized naman ng ibang fans na type pala ni Kathryn ang guy na maputi which is totally opposite ng kanyang first and only boyfriend, as of this writing ha, na si Daniel Ford Padilla.

Say ng netizen, “Mahilig si Kath sa Tisoy ah hahahaha”

Teka, si Alden Richards at Dominique Roque na parehong na-link kay Kathryn ay mapuputi, ‘noh.

At pati na rin ang nabalitang boyfriend ni Kathryn na politician from Lucena City ay maputi rin, huh. Julie Bonifacio