Home ENTERTAINMENT Gene Padilla, pasaway na kuwela sa bagong pelikula!

Gene Padilla, pasaway na kuwela sa bagong pelikula!

278
0

Manila, Philippines — Ginampanan ni Gene Padilla ang isang natatanging papel bilang pari sa pelikulang Isang Komedya sa Langit (A Comedy in Heaven), ang pinakabagong offering mula sa Kapitana Entertainment Media.

Tampok sa pelikula ang kilalang aktor na si Jaime Fabregas bilang Father Emanuel Garcia. Kasama rin sina EA Guzman bilang Father Juan Borromeo, Gene Padilla bilang Father Javier Salas, John Medina bilang Father Paolo Pascual, at Aki Blanco bilang Brother Marco.

May special appearance din ang beteranang aktres na si Carmi Martin sa papel na Naty.

Si Gene ay gumaganap bilang Father Javier Salas, isang “pasaway” na pari na madalas mapagalitan at maparusahan. Ngunit sa kabila ng pagiging pasaway, siya rin ay kuwelang nagbibigay ng maraming tawanan sa pelikula. May mga eksena pa nga na ang comedy style niya ay nagpapaalala sa mga manonood ng mga katatawanan na madalas mapanood sa pelikula ng kanyang ama na si Dencio Padilla.

Ang pelikula ay idinirek ni Roi Calilong at isinulat ni Rossana Hwang. Ipinapakita dito ang saya ng lighthearted storytelling at ang kapangyarihan ng koneksyon sa pagitan ng mga tao.

Ang kwento ay umiikot sa tatlong pari mula pa noong taong 1872 na, nang magkaroon ng isang eclipse, ay nag-time travel papuntang kasalukuyan.

Ang Isang Komedya sa Langit ay hango sa aklat ni Ms. Rossana na pinamagatang The Lost Saints.

Sa advance screening ng pelikula, nagpakita ng buong suporta ang pamilya at mga kaibigan ni Ms. Rossana. Sa kanyang pasasalamat, binigyang-diin niya ang mensahe ng pelikula: “Ang Tunay na pagbabago ay magsisimula sa bawat Filipino.”

Rated GP ang pelikula, kaya naman ito ay angkop para sa mga manonood mula sa lahat ng edad—isang family-friendly experience na puno ng saya at aral. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here