MANILA, Philippines – Huling namataan ang Tropical Storm Helen na patuloy na kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea habang ang Tropical Depression Gener ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), sinabi ng PAGASA sa pinakahuling bulletin nito noong Miyerkules ng umaga.
As of 4 a.m., si Helen ay tinatayang nasa 1,150 kilometro silangan hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon taglay ang maximum sustained winds na 85 kilometers per hour malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 105 kph, at central pressure na 992 hPa.
Kumikilos si Helen sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph na may malakas na hangin na umaabot hanggang 650 km mula sa gitna.
Ang sentro ng Gener, samantala, ay tinatayang nasa 410 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union na taglay ang lakas ng hanging 55 kph malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 70 km/h, at central pressure na 996 hPa, at kumikilos pakanluran sa 15 kph na may malakas na hangin ay umaabot palabas hanggang 360 km mula sa gitna.
Walang tropical cyclone wind signal ang kasalukuyang may bisa. RNT