Home NATIONWIDE ‘Gentlemen agreement’ probe inisnab ng gabinite ni Digong

‘Gentlemen agreement’ probe inisnab ng gabinite ni Digong

MANILA, Philippines – NAGSIMULA nang gumulong ang joint House panel inquiry kaugnay sa di umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng Tsina ukol sa West Philippine Sea (WPS) kahit wala ang presensiya ng mga opisyal ng gabinete ng nakalipas na administrasyon.

Imbitado sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea, dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, at dating National Security Adviser Hermogenes Esperon sa naturang pagdinig, araw ng Lunes subalit bigo namang nagpakita.

Tanging si Medialdea lamang naman ang nagpadala ng liham at isang kinatawan para ipaalam sa joint committee na mayroon siyang naunang kompromiso.

Ito naman ang nag-udyok kay Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop na magpalabas ng show-cause order laban sa mga dating opisyal, inimbitahan pero hindi nagpakita “failed to provide a valid excuse”. Kagyat na inaprubahan ng joint committee ang naturang mosyon.

“Parang umiiwas ‘yung ating mga opisyales ng nakarang administrasyon. Dahil halos walang nagpunta sa kanila… Sila ang nakakaalam kung meron ba talaga na gentleman’s agreement. Pangalawa, kung ano ‘yung napapasaloob dito,”ayon kay Zambales 1st District Rep. Jefferson Khonghun.

“Kahit na buong magdamag tayo magtanong rito, ‘yung mga Coast Guard, whoever the resource persons are here, could not answer our questions. Kasi sikreto nga eh… So it is incumbent on this committee to require those very important actors in the gentleman’s agreement to be here, to appear before this committee. And if need be, then we will use our powers under the Constitution to compel them to come here,” ang litaniya naman ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel.

“We may take that action later on if the need arises,” ang tinuran naman ni House Committee on National Defense and Security Vice Chairperson Rep. Raul “Bobby” Tupas.

Sinabi naman ni ACT Teachers Party List Representative France Castro na dapat ding imbitahan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na pagdinig, subalit hanggang sa ngayon ay wala pang desisyon ang komite sa mosyon ukol dito.

“We should invite ‘yung talagang nakipag-secret agreement, most especially Pres. Duterte. ‘Yung dalawang spokes dahil conflicting, ‘di natin sila kailangan. Ang kailangan natin si Duterte na humarap at representative ng Chinese Embassy na maalam sa agreement,” aniya pa rin.

Samantala, umapela si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Rear Admiral Ronnie Gil Gavan sa House of Representatives na tapusin agad ang imbestigasyon hinggil sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jin Ping kaugnay sa isyu sa WPS.

Sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security kasama ang Special Committee on the West Philippine Sea.

Paliwanag ni Admiral gavan, kung papahabain pa ang imbestigasyon ng Kamara ay posible itong magdulot ng pagkakawatak watak sa mamayang Pilipino at maghatid ng kalituhan sa mga nakadeploy na tauhan sa ground.

“We cannot move forward the best we can if we have a divided people. We appeal that this hearing be concluded as the soonest possible time as this has the potential to divide the people and the potential to confuse us on the ground,” pahayag ni Rear Admiral Gavan. RNT