Home ENTERTAINMENT Luis, ‘di pa sure sa pagpasok sa pulitika!

Luis, ‘di pa sure sa pagpasok sa pulitika!

Manila, Philippines – Nagtatalo pa raw ang damdamin ni Luis Manzano as far as giving politics a try.

Ito ang nilinaw ng isang taong malapit sa Recto family who’s privy to the household affairs of Senator and Finance Secretary Ralph Recto.

As it is now, may mga pinagkakaabalahan daw si Luis sa Lipa.

Ayaw raw niyang isakripisyo ito since aligned din ito sa adhikain ng mga Lipeño.

Not only are Luis’ hands full in fulfilling his task in Lipa, maging ang ina niyang si Vilma Santos-Recto ay meron ding inaasikaso roon.

Matagal mang wala na sa mayoral post si Ate Vi, malapit pa rin sa puso niya ang Lipa.

Balita kasing ginu-groom si Luis to be the next mayor of Lipa.

Kung tutuusi’y matagal nang panawagan ito, a simple “yes!” lang ang hinihintay mula sa TV host.

Confident naman ang mga supporters ni Luis na

makakapagdesisyon ito anytime soon.

With his mom backing him up at mga lokal na lider on Ate Vi’s side, tiyak na raw si Luis sa puwesto.

Samantala, aminado ang misis niyang si Jessy Mendiola na hindi siya kumportable sa pulitika noon para kay Luis.

Mukhang magbabago na ang ihip ng hangin once Luis comes up with a decision. Ronnie Carrasco III