Home NATIONWIDE Trust at performance rating nina PBBM, VP Sara bumaba— OCTA survey

Trust at performance rating nina PBBM, VP Sara bumaba— OCTA survey

KAPUWA bumaba ang trust at performance rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. At Vice-President Sara Duterte sa pinakabagong resulta ng survey ng OCTA Research.

Ang survey, isinagawa mula Marso 24 hanggang 27, 2024, nagpapahiwatig na karamihan sa adult Filipinos ay patuloy na nagtitiwa (69%, -6) at aprubado (65%, -6) ang performance ni Pangulong Marcos sa first quarter ng taon.

Ang 69% trust rating ni Pangulong Marcos, ay mas mababa ng 6% kumpara sa 75% trust rating na natamo kasunod ng survey na isinagawa noong Disyembre 2023.

Makikita sa resulta ng survey sa iba’t ibang pangunahing lugar, ang trust rating ni Pangulong Marcos nito lamang March 2024 ay pumalo mula sa 48% hanggang 79%. Ang pinakamataas na trust rating ng Pangulo ay sa Balance Luzon (79%), habang ang pinakamababa na trust rating ay sa Mindanao (48%).

Sa kabilang dako, mayorya naman ng adult Filipino ay nagtitiwa(68%, -9) at aprubado (64%, -11) ang performance ni VP Sara sa first quarter ng 2024.

Makikita sa survey na ang rating ay 9% na puntos na mas mababa sa 77% trust rating mula sa December 2023 survey.

Ang trust rating ni VP Sara ay mula 57% hanggang 95%. Ang kanyang pinakamataas na trust rating ay sa Mindanao (95%), habang ang kanyang pinakamababa ay naitala sa Balance Luzon (57%).

Samantala, mayorya ng adult Filipinos ay patuloy pa rin na nagtitiwala at aprubado naman ang performance ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa first quarter ng 2024 sa kabila ng pagbaba sa ratings.

Ayon sa OCTA, “their trust and performance ratings decreased by 3 percent—within the margin error—in the 1st quarter of 2024 compared to the last quarter of 2023. Their first quarter ratings remain statistically unchanged compared to the previous quarter.”

Dagdag pa rito, nakakuha naman si Chief Justice Alexander Gesmundo ng 15%, walong porsyentong puntos na mas mababa kaysa sa 23% rating mula sa survey na isinagawa noong Disyembre 2023. Tanging 9% ng mga adult Filipino ang walang tiwala kay Gesmundo habang 76% naman ang undecided.

Samantala, may kabuuang 1,200 lalaki at babae ang respondents na may edad na 18 taon pataas ang nakapanayam para sa pag-aaral. Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level.

“Subnational estimates for the geographic areas covered in the survey have the following margins of error at a 95% confidence level: ±6% for Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, and Mindanao,” ayon sa ulat. Kris Jose