Home HOME BANNER STORY Pinas sa ibang bansa: Banta ng Tsina vs WPS ‘trespassers’ dedmahin

Pinas sa ibang bansa: Banta ng Tsina vs WPS ‘trespassers’ dedmahin

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Pilipinas ang ibang bansa na dedmahin o huwag pansinin ang banta ng Tsina na aarestuhin ang mga dayuhan na papasok ng West Philippine Sea (WPS).

“We call on all maritime states particularly our neighbors like Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia to ignore these illegal regulations and sail in these waters to the extent that international law allows,” ayon kay National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya.

Giit ni Malaya, walang karapatan ang Tsina na mang-aresto ng mga dayuhan dahil wala itong soberanya sa ‘high seas’ ng walang paglilitis.

“These regulations cannot apply to the exclusive economic zone (EEZ) of coastal states like Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, or the Philippines or any other countries for that matter,” ayon kay Malaya.

“The 2016 arbitral ruling has nullified China’s claim to the entirety of the South China Sea. Therefore, the Chinese Coast Guard has no authority to conduct encroachment regulations in the EEZs of its neighbors,” dagdag na pahayag nito.

Winika pa ni Malaya na ang bagong regulasyon ng Tsina ay “provocative, escalatory, at nagpapataas ng tensyon sa WPS.

Kumbinsido si Malaya na nais lamang takutin ng Tsina ang Asian neighbors nito at patigilin ang mga ito mula sa pangingisda sa naturang lugar.

Nauna rito, nagpalabas ang Tsina ng isang regulasyon na nagbibigay kapangyarihan sa kanilang coast guard na I-detain ang mga dayuhang na magte-trespass sa WPS kasunod ng Philippine civilian mission sa WPS.

Sa ulat, maaaring i-detain ng China Coast Guard (CCG) ang mga trespassers kahit hindi na litisin pa, ayon sa South China Morning Post, araw ng Huwebes, tinukoy ang regulatory document ng Beijing na nakatakdang maging epektibo sa Hunyo.

“Foreigners suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days,” ayon sa South China Morning Post.