Home ENTERTAINMENT Gerald, pinangalanan na ang nanghalay!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gerald, pinangalanan na ang nanghalay!August 30, 2024 16:16 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nitong August 27, Martes ay muling sumipot si Gerald Santos sa Senado.Ito ay sa pagpapatuloy ng committee hearing na pinangungunahan nina Senators Robin Padilla at Jinggoy Estrada.Ito’y kaugnay pa rin ng mga kasong sexual abuse na laganap sa TV.Inilahad muna ni Gerald ang tila atrasado nang paglantad gayong nangyari pa ang kanyang kaso noong 2011.Si Gerald ay produkto ng singing search na Pinoy Pop Superstar sa GMA.Aniya, desidido na daw ang pormal na pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa musical director na umano’y nanggahasa sa kanya.Matatandaang tahasang sinabi ni Gerald sa Senado na: “I was raped, your honor!”Kinse anyos pa lang daw siya noon at walang kalaban-laban.Wala rin daw siyang lakas ng loob noon, pero nakuha naman daw niyang maiparating sa pamunuan ng GMA ang kanyang reklamo.Initially, Gerald’s camp felt na binalewala lang ng GMA ang kanyang reklamo pero may aksyon palang ginawa ang istasyon.Tinanggal na rin kasi nila ang musical director na inaakusahan ng singer.Sa pagpapatuloy ng pagdinig, iginiit ni Gerald ang pagtanaw niya ng utang na loob sa GMA.Itinanggi niyang kinakalaban niya ang istasyon na aniya’y pinagkakautangan niya ng loob.Aniya, he would not have been Gerald Santos, the Broadway singer that he is if it were not for GMA.Sa bandang huli, buong tapang nang pinangalanan ni Gerald ang nasabing musical director–si Danny Tan.Si Danny Tan ay isang award-winning composer, arranger, musical director at concert producer.Bukas ang Remate Online para sa panig ni Ginoong Tan.Samantala, pinag-aaralan pa ng kampo ni Gerald kung anong kaso ang isasampa laban kay Danny–rape, child abuse o sexual harassment. Ronnie Carrasco III