Home NATIONWIDE Gibo: Pinas pinepressure ng Tsina na isuko ang sovereign rights sa WPS

Gibo: Pinas pinepressure ng Tsina na isuko ang sovereign rights sa WPS

MANILA, Philippines – SINABI ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na mas pinaigting ng Tsina ang presyur sa Pilipinas para isuko nito ang sovereign rights sa South China Sea.

Inihayag ito ni Teodoro matapos makipagpulong sa kanyang Australian counterpart sa Canberra.

Ang pang-limang pagpupulong simula pa noong August 2023 ay sumasalamin sa lumalagong security ties sa pagitan ng dalawang bansa, na kapuwa isinatinig ang alalahanin ukol sa Chinese activity sa mga lugar ng tinatawag na ‘busy waterway’ na inaangkin ng Pilipinas at iba pang Southeast Asian nations.

“What we see is an increasing demand by Beijing for us to concede our sovereign rights in the area,” ang sinabi ni Teodoro sa kanyang pakikipagpulong kay Australian counterpart Richard Marles, Idagdag pa na ang Pilipinas ay “victim of Chinese aggression.”

Nilagdaan ng dalawang bansa ang strategic partnership noong September 2023 at isinagawa ang kanilang unang joint sea at air patrols sa South China Sea ilang buwan na ang nakalipas.

Sa una ring pagkakataon ay sumali ang Pilipinas sa war games sa Australia ngayong taon.

Isa namang tagapagsalita para sa Chinese foreign ministry ang nagsabi na gumagawa na ng hakbang ang Beijing para igiit ang karapatan matapos na unang lumabag ang Pilipinas.

“If the Philippines no longer infringes and provokes, there will be no more escalation of the maritime situation,” ang sinabi ni Lin Jian.

Sa ulat, makailang ulit na nagkabanggaan ang Tsina at Pilipinas ngayong taon dahil sa pinagtatalunang lugar ng South China Sea, kabilang na ang Scarborough Shoal, isa sa ‘most contested places’ ng Asya.

Samantala, sinabi ni Teodoro na ang pag-angkin ng Tsina at inaasal nito ay taliwas sa international law at defense deals.

“Although they [China] claim to act under the aegis of international law, everybody knows that what they’re doing is contrary to the tenets of international law,” ang sinabi ni Teodoro.

“The biggest evidence of this is that nobody has actually supported their actions or activities,” aniya pa rin.

Idagdag pa sa malapit na ugnayan ng mga bansa gaya ng Australia at Estados Unidos, plano rin ng Pilipinas na gumastos ng $33 billion sa bagong armas kabilang na ang advanced fighter jets at mid-range missiles.

Sinabi naman ni Marles na hangad ng Australia na makatrabaho ang Philippine defense industry at magpapadala ng engineering assessment team sa bansa sa susunod na taon. Kris Jose