Home HOME BANNER STORY ICC hinamon ni Digong na mag-imbestiga na sa war on drugs

ICC hinamon ni Digong na mag-imbestiga na sa war on drugs

MANILA, Philippines – Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na pumunta kaagad sa Pilipinas bukas, Huwebes, para imbestigahan siya sa mga umano’y human rigths violation sa kampanya laban sa droga.

Ang hamon ni Digong ay ginawa sa ika-11 imbestigasyon ng QuadComm na kanyang dinaluhan ngayong Miyerkoles, Nobyembre 13.

“Hinihiling ko sa ICC na magmadali at kung maaari, kung maaari silang pumunta dito at simulan ang imbestigasyon bukas,” sabi ni Duterte sa pagsisiyasat ng House QuadComm sa mga pagpatay sa digmaan sa droga sa panahon ng kanyang administrasyon.

“Ang isyung ito ay naiwang nakabitin sa loob ng maraming taon. Baka mamatay na ako, hindi na nila ako ma-imbestigahan. [That’s] why I am asking the ICC, through you, na magpunta na sila rito,” dagdag pa ni Duterte.

Pagkatapos ay sinabi ni Duterte na haharapin niya ang mga kahihinatnan ng naturang pagsisiyasat sa ICC.

“Kung ako ay napatunayang nagkasala, ako ay mapupunta sa bilangguan at mabubulok doon sa lahat ng oras,” sabi ni Duterte. RNT