Home HOME BANNER STORY Go sa pa-hearing ni Imee: Maibabalik ba n’yan si tatay Digong?

Go sa pa-hearing ni Imee: Maibabalik ba n’yan si tatay Digong?

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Bong Go na huli na ang imbestigasyon ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagamat nirerespeto niya ang inisyatiba ni Senador Imee Marcos bilang pinuno ng Committee on Foreign Relations.

Bilang dating aide ni Duterte, kinuwestyon ni Go ang layunin ng pagdinig kung hindi rin naman maibabalik si Duterte.

“I respect the initiative of Senator Imee Marcos to hold a Senate inquiry, karapatan naman niya ‘yan bilang chairperson ng [Committee on] Foreign Relations. At ako bilang miyembro, sinasabi ko lang din po ang aking mga hinanakit na parang too late na po, ayan ang tinatawag na ‘too late the hero’ na po,” ani Go.

“Maibabalik pa po ba si Tatay Digong dito? Kung maibabalik po, kahit araw-araw tayo mag-hearing,” aniya pa.

Gaganapin ang pagdinig sa Marso 20 upang alamin kung nasunod ang due process, lalo na sa pakikilahok ng Interpol at ICC.

Iginagalang ng Malacañang ang panawagan ni Marcos at maaaring magpadala ng kinatawan kung kinakailangan.

Nananatili si Duterte sa kustodiya ng ICC sa The Hague, kung saan ipagpapatuloy ang pagdinig sa Setyembre. RNT