Home METRO Tanod, magsasaka na galing sa court hearing, itinumba

Tanod, magsasaka na galing sa court hearing, itinumba

MAILA, Philippines – KAPWA walang buhay ng bumulagta ang isang barangay tanod at magsasaka nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang gunman matapos na dumalo sa court hearing ang mga ito, kahapon sa Barangay Putat, Nasugbu, Batangas.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa bahagi ng katawan mula sa kalibre 45 na agarang ikinasawi ni alyas Samuel 35, Barangay Tanod, naninrahan sa Barangay Bunducan Nasugbu, Batangas at alyas Francisco, 57,may- asawa, magsasaka, ng Sitio Dalig Barangay Bunducan ng nabanggit na lalawigan.

Base sa inisyal na report kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas- 10:52 ng umaga kahapon habang ang mga biktima na kapwa lulan ng Rusi Motorcycle na may plakang AU31433 kung saan papauwi na ang mga biktima matapos na dumalo sa court hearing sa RTC Branch 14, sa Nasugbu, Batangas.

Napag-alaman na habang tinatahak ang kahabaan ng naturang lugar ay bigla umanong pinagbabaril ang mga biktima ng hindi nakikilalang gunman na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon patungo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 pirasong fired cartridge cases at 1 live ammunition ng caliber 45, samantalang nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ng SOCO sa nasabing lugar, kung saan patuloy naman ang imbestigasyon at manhunt operation ng pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek. Ellen Apostol