Home NATIONWIDE Gov’t employees binalaan vs partisan political activities

Gov’t employees binalaan vs partisan political activities

MANILA, Philippines – BINALAAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na huwag sumali sa partisan political activities at panindigan ang political neutrality bago pa ang May 12 midterm elections.

Sa ilalim ng Joint Commission on Elections (Comelec)-CSC Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities (Joint Circular No. 1, s. 2016), ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno ay pinagbabawalan na:

–bumuo ng grupo, asosasyon, o komite para mag-solicit ng boto o mangampanya pabor o laban sa isang kandidato;

–magdaos ng political rallies, caucuses, pagpupulong, o parada para sa election campaigning;

–gumawa ng talumpati, anunsyo o media commentaries para suportahan o kontrahin ang isang kandidato;

–magpalathala, mamahagi o mag-display ng mga campaign materials na magpo-promote o kokontra sa kandidato;

–direkta o indirectly soliciting votes, pledges, o suporta para sa isang kandidato o partido;

–paggamit ng government resources—gaya ng oras, mga tauhan, pasilidad at equipment—para sa political purposes;

–magbigay ng financial o material contributions sa mga kandidato o political parties;

–magsuot ng campaign-related shirts, pins, caps, o accessories, maiban na lamang kung awtorisado ng Comelec; at

–magsilbi bilang watcher para sa isang political party o kandidato sa panahon ng halalan.

SInabi ni CSC, ina-aplay ito sa lahat ng empleyado ng gobyerno anuman ang appointment status, kabilang na iyong naka-leave of absence “as they are still covered by the electioneering prohibitions.”

“Violators may face administrative sanctions under the 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS),” ayon sa CSC.

Para sa first offense, ang empleyado ay sususpendihin sa loob ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan, habang para sa second offense, ang empleyado ay papatawan ng dismissal mula sa serbisyo, kabilang na ang pagkawala ng benepisyo at diskuwalipikasyon mula sa ‘future government employment.’

Samantala, pinaalalahanan naman ng CSC ang mga empleyado ng gobyerno na responsableng gamitin ang social media alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 12, s. 2020:

–Huwag mag-post, share, o mag-komento sa political content sa panahon ng office hours.

–Iwasan gumamit ng government-issued devices o internet para sa political discussions.

-Umiwas na makasali sa online arguments o talakayan na makokompromiso ang public trust sa government institutions.

–Huwag magsabi ng anumang opisyal na official government information ng walang ‘proper authorization.’

“All government employees must remain professional, impartial, and mindful of their responsibilities as public servants, both offline and online,” ang sinabi ng CSC. Kris Jose