Home NATIONWIDE Putin kakausapin ni Trump sa Ukraine ceasefire

Putin kakausapin ni Trump sa Ukraine ceasefire

AMERIKA – PLANO ni US President Donald Trump na kausapin si Russian President Vladimir Putin bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap na matuldukan na ang labanan sa Ukraine, ayon sa ulat ng The New York Times, araw ng Linggo.

“We want to see if we can bring that war to an end,” ang sinabi ni Trump sa mga mamamahayag na lulan ng Air Force One, Linggo ng gabi, ayon pa rin sa NYT.

“Maybe we can. Maybe we can’t, but I think we have a very good chance,” ani Trump.

“We will see if we have something to announce maybe by Tuesday,” dagdag na wika nito.

Inihayag ito ni Trump habang nagpapatuloy ang negosasyon ukol sa 30-day ceasefire, sinasabing nakatuon sa territorial concessions at kontrol sa mga mahahalagang imprastraktura kabilang na ang power plants.

“It’s a lot of land,” ang sinabi ni Trump.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Trump, ayon sa report.

Samantala, sa pagsasalita naman ni Steve Witkoff, US special envoy to the Middle East sa CNN, araw ng Linggo, inilarawan nito ang kamakailan lamang na pulong ni Putin sa Moscow bilang “positive” at sinabing ang progreso ay ginawa para paliitin ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ginagawa naman ni Trump ang lahat para makuha ang suporta ni Putin para sa 30-day ceasefire na inaprubahan ng Ukraine noong nakaraang linggo.

Sa ulat, inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy si Putin ng pag-antala ng negosasyon habang tinatangka na muling ipuwesto ang Russian forces sa battlefield para palakasin ang kanyang pagkilos. Kris Jose