SOUTH COTABATO- PATAY ang isang binata na graduating sa senior high school matapos makuryente habang nag-aayos ng ilaw sa katabing bahay noong Miyerkules sa bayan ng Tantangan.
Kinilala ang biktimang si CJ Legurpa Cordero, 18-anyos, grade 12 graduating at residente ng Barangay New Lambunao, Tantangan, South Cotabato.
Batay sa report ng Tantangan Police Station, nagkukumpuni ang biktima ng ilaw sa katabing bahay ng bigla na lamang itong nagkikisay matapos mahawakan ang live wire.
Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor./Mary Anne Sapico