Home ENTERTAINMENT Ruffa, nabuking sa pendant!

Ruffa, nabuking sa pendant!

Manila, Philippines- To this day ay wala pang pag-amin mula kina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista kung sila nga ba’y officially in a relationship.

Or need they make it public pa ba, o obyus namang they’re having a grand time together?

Ang kaso nina Ruffa at Herbert ay nahahanay sa gasgas nang linyang “what you see is what you get.”

Tulad na lang ng nakaraang birthday celebration ng dating Quezon City mayor.

Sa dinami-dami ng mesa sa venue ay doon pumuwesto si Bistek sa kinaroroonan ni Ruffa.

Herbert sat at Ruffa’s table kung saan nakaupo rin sina Janice de Belen, Sunshine Cruz at Karla

Estrada.

Sa video, Ruffa was beaming with joy na kumakanta-kanta pa.

Feeling macho naman ang birthday boy, seemingly honored with Ruffa’s stunning presence.

Sa social media, safe lang ang birthday post ni Ruffa for Herbert.

As usual, time and again nama’y sinasabi ni Ruffa she’s a teenager no more pagdating sa pag-ibig.

She looks at love now with a greater sense of maturity.

Kaso, hindi man aminin ni Ruffa that there already exists something between her and Herbert ay ipinagkanulo naman siya ng kanyang suot na pendant.

Isang hawk-eyed netizen kasi ang nakapansin sa agaw-atensyong palawit sa kuwintas ng aktres.

May initial na “H” ang pendant na ‘yon na mapapansin agad sa kanya.

Meron pa bang “H” bukod kay Herbert?

“H” as in huli ka, Ruffa! Ronnie Carrasco III