Home SPORTS Grand slam bid ng TNT buhay pa

Grand slam bid ng TNT buhay pa

260
0

BUHAY pa ang pangarap ng TNT Tropang Giga na makamit ang Grand Slam sa kasalukuyang PBA season matapos nilang gapiin ang San Miguel Beermen, 86-78, sa Game 5 ng Philippine Cup Finals sa Smart-Araneta Coliseum.

Ang panalong ito ay nagpapababa sa kalamangan ng San Miguel sa serye, 3-2.

Nanguna sa opensa at depensa ng TNT si Brandon Ganuelas-Rosser na nagtala ng 18 puntos, 5 rebounds, 3 steals, at 5 blocks habang binabantayan si June Mar Fajardo.

Malaki rin ang naging ambag nina Kelly Williams at Almond Vosotros na parehong umiskor ng mahahalagang puntos.

Umangat ang TNT sa pamamagitan ng solidong depensa at nilimitahan nila ang San Miguel sa 31 puntos lamang sa first half – pinakamababa sa finals mula pa noong 2019.

Aminado si Coach Chot Reyes na nakita niya ang pakikipaglaban ng kanyang koponan, na umaasang maitutuloy nila ang momentum sa Game 6 sa Philsports Arena.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here