Home TOP STORIES Cambodian rocket sumabog sa Thai gas station; 6 utas -Thai Army

Cambodian rocket sumabog sa Thai gas station; 6 utas -Thai Army

243
0

THAILAND – Anim na sibilyan ang namatay at 10 iba pa ang sugatan nang tumama ang isang Cambodian rocket sa isang abalang gasolinahan sa isang Thai village, ayon sa Thailand army.

Ang rocket ay tumama sa isang gasolinahan sa lalawigan ng Sisaket, sinabi ng isang tagapagsalita ng hukbo sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 24, 2025.

Ang mga video sa social media na na-geolocate ng CNN ay nagpakita ng ilang nasugatang tao sa labas ng isang matinding napinsalang convenient store, na may usok sa background.

Nawasak ang pasukan ng tindahan at nabasag ang mga bintana nito, ayon sa mga video. Ilang tao ang makikitang tumatakbo para tulungan ang isang sugatang nakahandusay sa isang pick-up truck.

Hindi bababa sa siyam na tao ang napatay at mahigit isang dosena ang nasugatan sa Thailand sa mga pag-atake ng Cambodia, kabilang ang isang 8-taong-gulang na batang lalaki, ayon sa Thai army. Dalawa sa iba pang namatay ay nasa lalawigan ng Surin, habang ang isa ay sa lalawigan ng Ubon Ratchathani.

Wala namang impormasyon tungkol sa mga nasawi sa Cambodia. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here