Home NATIONWIDE Grave threat case vs VP Sara, tumibay sa testimonya ng NBI exec...

Grave threat case vs VP Sara, tumibay sa testimonya ng NBI exec – Rep. Chua

1
0

MANILA, Philippines – Mas lalong tumibay ang kasong isinampa ng Mababang Kapulungan sa Article 4 ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dulot ng makatotohanang testimonya ng opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI), ayon kay Manila Rep. Joel Chua.

Sa panayam, sinabi ni Housen Prosecutor Chua nitong Martes na pinatibay ng testimonya ni dating Cybercrime Division Chief Atty. Jeremy Lotoc ang sinasabi ng prosecution na pawang ‘airtight” ang impeachment case laban kay Duterte.

“With more reason, nung sinabi pa at sinagot ni Attorney Lotoc na airtight ’yung kaso, lalo lamang mas tumibay ang aming ebidensya,” ani Chua.

Pero, nilinaw naman ni Chua na magkaibag ang proseso sa impeachment sa kasong kriminal kung pag-uusapan ang pamantayan sa kailangang ebidensiya.

“Unang-una, kailangan nating ilagay sa isip na itong impeachment case ay hindi ito kagaya ng criminal case na kailangan ’yung ebidensya ay matibay na matibay hanggang sa dulo,” aniya.

“So ito ay hindi lamang ’yung bigat ng pagpapatunay.”

Tumestigo nitong Lunes, ikaapat na araw ng impeachment trial ni Duterte, si Lotoc na pawang regional director ng BNMM at dating hepe ng    Cybercrime Division, na nagsasaabing may intensiyon, motibo at kapasidad si Dutete na ipatupad ang sinasabing pagbabanta laban kay   President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at then-House Speaker Martin Romualdez.

Binanggit din ni Lotoc sa impeachment court na base sa imbestgasuyon ng NBI, naniniwala silang nagawa ni Duterte ang krimen ng grave threats at inciting to sedition.

Ibinasura din ni Chua ang suhestiyon na nakatala ang kaso ng prosecution kung mayroon talagang “assassin” dahil tanging ang pagbabanta ang isyung nililitis sa impeachment court.

“Ang pinag-uusapan dito ay ’yung bigat ng kaso, hindi naman ’yung issue ng assassin. Walang kinalaman ’yung assassin dito sa pagbabanta,” aniya.

“So ang pinag-uusapan dito sa grave threat ay ang binitawan at bigat ng binitawang salita at pagbabanta ng ating Bise Presidente.”

Ipinagpapatuloy ngayon ni Lotoc ang kanyang testimonya hinggil sa grave threats at inciting to sedition na isinampa laban kay Duterte, hindi lamang sa impeachment court kundi sa Department of Justice (DOJ). Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here