Home ENTERTAINMENT Greta at Atong, matagal nang di nag-uusap!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Greta at Atong, matagal nang di nag-uusap!February 4, 2025 14:21 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Gaano katotoo ang balitang putol na ang tulay ng malalim na pagkakaibigan ni Gretchen Barretto at ng negosyanteng si Atong Ang?Ang tsika, matagal na panahon na raw na hindi na nagkakausap ang dalawa.Nakakalungkot kundi man nakapagtataka ito dahil kung matatandaan, halos kelan lang nang mamataan sina Greta at Atong sa isang puwesto sa Greenhills.Nasa stall sila ng bentahan ng mga cellphone.Nakangiti pa ngang nagpaunlak si Gretchen ng picture sa isang shopper din.In fairness, kung anuman daw ang isyu sa pagitan nina Greta at Atong ay walang kinalaman doon ang nobya ng huli na si Sunshine Cruz.Hindi masasabing “sinulot” ni Sunshine si Atong kay Gretchen dahil hindi naman napatunayang naging sila in the first place.Kung tutuusin, masaya pa nga si Gretchen for both Sunshine and Atong who ended up together.Pero may isa pang tsismis na na-trace umano na galing sa kampo ni Gretchen.Diumano, ipinagkakalat ng kampo ni Gretchen–na mahirap paniwalaan–na split na raw sina Sunshine at Atong.Kung susuriin, malabong mangyari ito dahil mismong si Atong na rin ang nagsabing handa niyang pakasalan si Sunshine.Oh, well, this is how it goes in showbiz–pilit pinaghihiwalay ang dalawang taong nagmamahalan! Ronnie Carrasco III