Kumamada si Austin Reaves ng 31 puntos, walong assist at pitong rebound para pangunahan ang Los Angeles Lakers na makamit ang 134-127 panalo laban sa host Memphis Grizzlies kahapon.
Nagtala si Luka Doncic ng 29 puntos, siyam na assist at walong rebound para sa Lakers (45-29), na nanalo sa kanilang ikalawang laro sa tatlong outings at nagtapos ng four-game road trip. Nagdagdag si LeBron James ng 25 puntos, walong dime at anim na tabla, habang si Gabe Vincent ay nag-ambag ng 15 puntos mula sa bench, ang starter na si Rui Hachimura ay umiskor ng 13 at si reserve Dorian Finney-Smith ay may 11.
Ang Memphis (44-30), na naglalaro sa unang laro nito mula noong sibakin ang head coach na si Taylor Jenkins noong Biyernes, ay pinangunahan ng 29 puntos ni Desmond Bane. Ang assistant coach na si Tuomas Iisalo ay nagsisilbi bilang interim head coach.
Umiskor si Jaren Jackson Jr. ng 24 at nagtala si Ja Morant ng 22 puntos, 10 assists at walong rebounds. Nagdagdag si Reserve Scotty Pippen Jr. ng 16 puntos, ang starter na si Zach Edey ay nagtala ng 14-point, 11-rebound double-double, at ang starter na si Jaylen Wells ay may 11 puntos nang natalo ang Grizzlies sa kanilang ikalimang laro sa anim na pagsubok.
Matapos mahabol ng 11 sa halftime, binuksan ng Memphis ang ikatlong quarter sa 16-4 run, kung saan ang 3-pointer ni Bane ang nagbigay sa Grizzlies ng kanilang unang pangunguna sa laro. Ang trey ni Reaves, ang three-point play ni Doncic at ang layup ni James ay nagbigay sa Lakers ng 84-77 kalamangan may 7:38 ang natitira sa ikatlo.
Sa mahigit isang minuto na lang ang natitira sa quarter, pinalawig ng ikalimang 3-pointer ni Reaves ang kalamangan ng Lakers sa walo. Ang floater ni Morant sa mga huling segundo ang humila sa Grizzlies sa loob ng tres pagpasok ng huling quarter.
Isang shoot ni Hachimura ang nagbigay sa Lakers ng 107-105 na kalamangan, ngunit sina Jackson, Morant at Edey ay nagtala ng bawat basket upang bigyan ang Memphis ng pinakamalaking lead sa apat sa natitirang 8:35. Ang stepback jumper at thunderous dunk ni James ay sinimulan ang 13-4 run ng Lakers upang kunin ang 120-115 na bentahe sa natitirang 4:08.
Tinapos ng Los Angeles ang unang quarter sa 8-2 run — kasama ang dunk ni Jarred Vanderbilt at 3-pointer ni Finney-Smith para bigyan ang Lakers ng 39-28 lead.