Home NATIONWIDE Groundbreaking ng NKTI Outpatient Services Building, pinangunahan ni Bong Go

Groundbreaking ng NKTI Outpatient Services Building, pinangunahan ni Bong Go

MANILA, Philippines- Inimbitahan si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa groundbreaking ceremony ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Outpatient Services Building noong Miyerkules, Pebrero 19 sa Quezon City. 

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Senador Go ang kahalagahan ng pagpapalawak ng mga medikal na pasilidad upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mga Pilipino, partikular sa mga dumaranas ng mga sakit na may kaugnayan sa bato. 

“Natutuwa po ako ngayon na matatayo na ang outpatient services building. Para mas maging convenient na sa ating mga pasyente na dito na sila pupunta… This marks another milestone in our continuous efforts to enhance our healthcare system and bring better medical services closer to the people,” sabi ni Go.

“My advocacy has always been to prioritize the well-being of every Filipino by ensuring accessible, affordable, and quality healthcare. Nakatutuwa po dahil itong NKTI outpatient services building, mas magiging accessible na po dahil ito ay one-stop shop na po… the establishment of this new building is a step forward in achieving this goal as this facility will not only expand NKTI’s capacity to serve patients but also improve the quality of medical services provided to those in need,” dagdag niya.

Muling iginiit ni Go ang kanyang pangako na ipagpapatuloy ang nasimulan kung bibigyan ng bagong mandato. “Bilang chairman ng Committee on Health, patuloy po akong sumusuporta dito sa NKTI. God willing, kung kaawaan po ako ng Panginoon, pagdating ng panahon, uunahin ko parati ang mga programang makakatulong sa mga mahihirap,” aniya.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program. 

Sa kasalukuyan, mayroong 167 operational Malasakit Centers sa buong bansa, na nakapagbigay  na ng tulong sa mahigit 17 milyong Pilipino, ayon sa Department of Health (DOH). Sa Quezon City, mayroong 11 operational Malasakit Centers.

Pinaalalahanan naman ni Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na panindigan ang kanilang mga pangako sa pagbibigay ng accessible na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa lahat. 

Sa kasalukuyan, pinalawak ng PhilHealth ang coverage nito paggamot sa Chronic Kidney Disease (CKD), partikular na sa kidney transplant. Sa coverage na lampas sa PhP1 milyon para sa Living Organ Donor Transplantation at higit sa PhP2 milyon para sa Deceased Organ Donor Transplantation, mas maraming Pilipinong may CKD ang magkakaroon ng mas malaking tsansa na makatanggap ng medical intervention. RNT