Home OPINION ‘GROUP EFFORT’ TULOY

‘GROUP EFFORT’ TULOY

228
0

SI General Nicolas Torre III ang nagwagi sa mga pinagpilian
para maging bagong pinuno ng Philippine National Police, kahalili ni Gen. Rommel Marbil.

Magaling daw si Torre, sabi nila. At aminado rin si Marbil
na mas mahusay sa kanya ang kanyang magiging kapalit.

Halata namang pati si Pangulong Bongbong Marcos ay bilib kay Diwata, este, kay Torre pala.

Sumikat ang mama, sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy
ng Kingdom of Jesus Christ at “pagkidnap” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para iharap sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Walang dudang si Torre ang bata ni PBBM. Sinasabing ang
ginawang selection ay pormalidad o drawing na lang dahil nakatadhana na talaga siya sa PNP top post. Kahit i-deny, ito ang kanyang naging reward sa ipinakitang “good performance” sa mga nakalipas.

Bahagi si Torre ng grupong nagpamalas ng “effort” para maipatapon sa Netherlands si Duterte.

Kaya ngayong siya na ang pinuno ng PNP, lalong lalakas ang
“group effort” para ipakulong, patalsikin at ipatapon ang mga taong hadlang sa maitim na balak ng PBBM administration.

Kunwa’y pinag-resign pero nananatili pa rin naman sa
posisyon ang mga opisyal na kasama ni Torre na nagsipag-effort na sina Defense Sec. Gibo Teodoro, DOJ Sec. Boying Remulla, utol nito na si DILG Sec. Jonvic, Executive Sec. Lucas Bersamin at Security Adviser Sec. Eddie Año.

Alam n’yo na ang mangyayari sa mga susunod na kabanata!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here