Home NATIONWIDE GSIS net operations income tumaas, assets pumalo sa P1.83-T

GSIS net operations income tumaas, assets pumalo sa P1.83-T

MANILA, Philippines – INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na may 21% ang itinaas sa net income mula sa operasyon noong 2024, umabot ng P135.7 billion kumpara sa P112.1 billion noong 2023.

Nangangahulugan ito na tumaas ang kabuuang assets ng GSIS ng 9.23% sa P1.83 trillion.

Sinabi ng GSIS na ang kabuuang income ay tumaas ng 10.29% year-on-year ng P326.86 billion, sinasabing dahil sa malakas na investment returns at insurance operations.

Iniulat ng ahensiya na P13.27 billion income mula sa foreign exchange ang naidagdag, P11.24 billion mula sa global private equity investments na pinangasiwaan ng external fund managers, at P3.09 billion mula local equity investments.

Winika ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na ang bulto o 70% ng kanilang portfolio ay namuhunan sa government securities at iba pang fixed-income instruments; habang ang balanse na 30% ay inilagay naman sa higher-yielding investments, kabilang na ang ‘equities, real estate, at iba pang investment vehicles.’

“This balanced approach ensures both stability and growth, supporting our fund life, which extends until 2058,” aniya pa rin.

Samantala, tumaas naman ang financial assets ng GSIS ng P101.60 billion, habang ang cash at cash equivalents ay lumago naman ng P30.54 billion. ang kabuuang loans sa mga miyembro ay lumawig ng P370.65 billion.

Nakamit din nito ang 98.6% loan collection efficiency sa third quarter ng 2024.

Nakapagtala naman ang insurance business ng malakas na resulta na may gross premiums na umabot sa P10.6 billion, lampas sa P8.5 billion target.

Bilang resulta, nananatili naman ang GSIS bilang ‘largest state insurer’ na may net worth na P62 billion. Kris Jose