Home LIFESTYLE HEALTH Guimaras, target maging 1st TB-free island ng Pinas

Guimaras, target maging 1st TB-free island ng Pinas

303
0

ILOILO CITY, Philippines – Inihahanda na ang Guimaras para maging kauna-unahang tuberculosis-free island sa Pilipinas, ayon sa isang health group.

Sa isang media conference noong Huwebes ng hapon, sinabi ni Philippine Tuberculosis Society Inc. (PTSI) Executive Director Dr. Pauline Jean Rosell-Ubial na may pag-asang maideklarang TB-free ang bayan sa loob ng apat hanggang limang taon.

“If we prove that, we will bring the strategy to other parts of the country,” aniya, idinagdag na para sa gawaing ito, nakikipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) at sa local government unit.

Samantala, hinimok ni Ubial ang mga tao na magpa-screen sa pamamagitan ng X-ray method, kung magpositibo sa TB, ang pasyente ay dapat sumailalim sa paggamot at maaaring makakuha ng mga libreng gamot mula sa mga health center ng gobyerno.

Dapat ding masuri ang lahat ng miyembro ng sambahayan ng pasyente. Kahit na sila ay naging negatibo, kailangan nilang sumailalim sa TB preventive treatment (TPT), na libre din.

Binigyang-diin niya na para maalis ang TB, hindi sapat na gamutin ang mga nakatago at aktibong kaso ng TB.

“There is a need for preventive treatment; otherwise, we cannot eliminate tuberculosis in this country,” saad ni Ubial. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here