Home METRO Guro utas sa kotseng minamaneho ng estudyante

Guro utas sa kotseng minamaneho ng estudyante

PANGASINAN- Patay ang isang guro matapos na aksidenteng mabangga ng isang kotse ang minamaneho nitong tricycle sa Brgy. San Gonzalo, Labrador ng lalawigang ito kahapon.

Ang 41-anyos na biktima ay residente ng Brgy. Poblacion ng naturang bayan.

Sugatan naman ang babaEng pasahero nito.

Bumibiyahe ang sasakyan ng biktima sa national highway sa naturang lugar papuntang silangang direksyon nang mag-overtake sa right shoulder ng kalsada ang kasunod nitong Mitsubishi Canter Ripper van.

Nasagi umano ng Mitsubishi Canter Ripper van ang sidewheel ng tricycle sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng tricycle at mapunta sa opposite lane ang kanyang sasakyan.

Eksakto naman sa pagdating ng Hyundai Elentra na minamaneho ng isang 23-anyos na estudyante at aksidenteng nabangga nito ang tricycle.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang driver ng tricycle at ang pasahero nito na agad isinugod sa Lingayen District Hospital.

Gayunman, ang driver ng tricycle ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Mitsubishi Canter Ripper van at ang driver ng Hyundai Elentra. Rolando S. Gamoso

Previous article₱10M bulletproof SUV bibilin ng Cebu City para kay Mayor Rama
Next article17,000 MT pula, 4,000 MT dilaw na sibuyas aangkatin ng Pinas