Home HOME BANNER STORY 17,000 MT pula, 4,000 MT dilaw na sibuyas aangkatin ng Pinas

17,000 MT pula, 4,000 MT dilaw na sibuyas aangkatin ng Pinas

MANILA, Philippines – Mag-aangkat ang Pilipinas ng libu-libong metrikong tonelada ng sariwang pula at dilaw na sibuyas sa hangaring matiyak ang sapat na suplay ng mga produktong pang-agrikultura sa panahon ng kapaskuhan, sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes, Disyembre 1.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA na maglalabas sila ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) para sa pag-aangkat ng sariwang sibuyas sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI).

“The volume to be imported for fresh red onion is 17,000 MT and for fresh yellow onion is 4,000 MT which will be sourced from China, India, and Netherlands,” ayon sa DA.

Dagdag pa ng kagawaran na ang mga inangkat na sibuyas ay darating sa bansa bago ang Disyembre 31, 2023. Ang nasabing deadline ay itinakda alinsunod sa panahong hindi ito sasabay sa darating na ani.

Ang itinakdang dami ng importasyon para sa parehong pula at dilaw na sibuyas ay nakabatay sa per capita consumption ng bansa at magsisilbing buffer para patatagin ang mga presyo sa merkado bago ang peak harvest ng lokal na ani sa Marso hanggang Abril 2024, ayon sa Agriculture Department. Santi Celario

Previous articleGuro utas sa kotseng minamaneho ng estudyante
Next articleBuhay ang ating demokrasya, ICC walang ‘K’ manghimasok sa Pinas – Go