Home SPORTS Gymnast Malabuyo gold sa Asian Championships, Ruivivar naka-silver

Gymnast Malabuyo gold sa Asian Championships, Ruivivar naka-silver

Naibulsa  ng mga gymnast na patungo sa Paris na sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ang mga medalya sa 2024 Asian Gymnastics Union Senior Women’s Asian Championships noong Linggo sa Uzbekistan.

Natangay ni Malabuyo ang gintong medalya sa floor exercise nang umiskor siya ng 13.300 para pamunuan ang nasabing event, habang pumangatlo at pang-apat sina Xinyi Chen (13.133) at Aida Bauyrzhanova ng Kazakhstan (13.066) ng China, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang kanyang pangalawang medalya sa kompetisyon dahil pumangatlo siya sa individual all-around event na nag-book din sa kanya ng slot sa Paris Olympics.

Nasungkit naman ni Levi Ruivivar ang bronze sa uneven bars nang umiskor siya ng 13.100 sa likod ni Yang Fanyuwei ng China na may 14.566 at Jon Jang Mi ng North Korea na may 13.366.

Sa men’s division, nanalo si Carlos Yulo ng apat na gintong medalya sa tournament noong nakaraang linggo. Ang kanyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo ay nanalo rin ng ginto sa juniors division.